You can also tweet me by clicking the button beside you. :)
Tweet
You may or may not follow this. :)

Catching Elephant is a theme by Andy Taylor
Sa taong mahal na mahal ko at kasama ko sa litrato na yan, sana magkaayos tayo. Kasi alam ko, mas hindi tayo magiging okay kapag wala ang isa’t isa. Lagpas na ang isang taon na tayo’y magkasama, maraming nangyari, maganda man o pangit.
Pero kahit ganon din, alam kong kaya pa natin yan. Kung naalala mo, gumawa din ako ng isang blog entry tungkol sa’yo noon, kahit hindi pa tayo. Ganon ka ka-special sakin at deserving ka ng isang blog entry sa blog kong magulo. Kahit hindi mo man ‘to mabasa, winiwish ko lang na pag-isipan mo ng mabuti bago ka mag-decide kasi pwedeng may mawala pang-habangbuhay. Ayoko ng ganon. Normal din naman ang may arguments at away pero kapag sumuko na tayo na walang kalaban-laban, iba na yun. Kaya tayo lumalaban kasi mahal natin isa’t isa.
Pero kung may susuko, ibang usapan na yun. Basta ang gusto ko lang sabihin na sana kung ano man meron na masakit na nangyari sa ating dalawa, ibaon na lang natin sa ilalim ng lupa at huwag nang balikan pa. Magsimula na lang tayo ng bagong alaala na walang iniisip kung hindi ang kasiyahan sa piling ng isa’t isa.
Sa mga naging kasalanan ko sa’yo, sana mapatawad mo ako kasi pinagsisisihan ko na din naman yung mga mali ko eh. Ang tanga ko din kasi minsan at di kita nabigyan ng importansya.
At kung sana mag-move on na tayo dun sa mga masasakit na nangyari noon, kasi kung dun lang tayo magffocus, wala din mangyayari sa atin. Dapat laging forward. Nga pala, kahit di mo ‘to mabasa (kahit gusto ko na mabasa mo), okay lang kasi napakita ko sa buong mundo kung gaano ka kahalaga sa akin at lahat kaya kong gawin para sa’yo. Alam mo yan. :)
Kaya gusto ko sana na gawin natin ay ayusin kung anuman ang dapat pagusapan at sana sabay tayong mag-move on sa mga bagay na nakasakit sa atin noon dahil iyon ang dapat nating gawin. :) At, ayoko na mawala ka sakin, alam mo yan. :)
To my boyfriend and partner in almost anything, Stephen Arvin M. Manalo, I love you so much more than you know! I sincerely apologize for everything. I hope you forgive me. Don’t worry, I have forgiven you. :) I would want us to move forward with no grudges and do the things we are good at, loving each other. <3